Tama na yung isang beses naging Nurse
Sunday, gumanap ako bilang isang nurse sa play namin sa Buddhist Center. Full costume tlga may headdress ako, pinahiram sakin yung nurse uniform na di proportion sakin. Yung shoes ko sa kapatid ko maliit feeling ko mamamatay kuko ko. Pero okay naman masaya yung play, kahit bugalbugal, natuwa mga top leaders ng SGI =) Pero parnag ayoko na magnurse ulit. feeling ko kitang kita ka ng mga tao dahil naka all white ako *____*
We went to Trinoma last Sunday. Yung tatay ko kasi super adik dun sa “88 peso store” Japan Home. Hala, pag tapos namin magcr nawala sya nagliwaliw hanap ng hanap nanay ko, umikot kami tapos napagod nanay ko nagyaya kumain sa Mary Grace.

Hanep yung baso nila, may damit yung paa.

Ang sarap ng sansiraval tsaka nung juice nila a =) ganda ng place cozy, cute nung mesa may mga notes na nakakalat =)
May nag coconcert din dun sa Atrium nila. Daming tao, ang dami din mga rakista at emo, yun pala si Bamboo ang kumakanta sponsored ng Penshoppe.
Pumunta akong Bayo, yung gray-buntis-dress na super gusto ko nag sale =) ang saya saya!
Kumain kami sa okioki. Buti nag reserve kuya ko daming tao naghihintay grabe. Tapos binabayaan kami mag order ng nanay ko, naparami ata kami ng order busog na busog tlga kami nun.
Paguwi, nag install kami ng mga kapatid ko ng laro. Burger Rush. Nag laro ako hangang 2AM. Hayun kinabukasan tuyongtuyo mata. *___*
--------------------oOo--------------------

0 Comments:
Post a Comment
<< Home